Si Joseph A. Cocannouer ay nagmula sa angkan ng mga magsasakang Olandes na nandayuhan sa Amerika sa mga unang taon ng ika-19 na siglo. Ipinanganak noong Enero 6, 1883, sa Shelby, Illinois. Pansamantalang nanirahan sa estado ng Kansas, kung saan namatay ang kaniyang ama. Napalipat sa estado ng Oklahoma at dito ginugol ang malaking panahon ng kaniyang kabataan bil¬¬ang katulong ng ina sa pagsasaka sa pook rural sa nasabing estado. Nag-aral sa Oklahoma Agricultural and Mechanical College at pagkatapos ng isang taon na aktwal na pag-aaral sa OA&M ay nagturo sa paaralang bayan sa kanilang sariling lugar. Pagkatapos ng isang taong pagtuturo ay nagbalik sa OA&M upang kumuha ng kursong normal. Sa mga panahong iyon ay pinagtuunan niya ng pansin ang araling pagsasaka, kasabay ng wikang Latin upang maunawaan ang mga mahahalagang sulating pang-agrikultura sa nabanggit na matandang wika. Samantalang nag-aaral sa OA&M, si Cocannouer ay narekluta na magturo sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment