Ang humalili kay Mr. C. E. Workman bilang principal sa intermedia ng Indang ay si Mr. Henry Wise. Hindi matiyak ang mga paunang mga taon ng kaniyang buhay, maliban sa siya ay naitalaga sa serbisyo ng pamahalaang insular ng mga Amerikano sa Pilipinas bilang guro noong Setyembre 5, 1901. Naglingkod na supervising teacher sa bayan ng Bacnotan, La Union. Ang kaniyang asawa na si May Swanson Wise ay narekluta sa serbisyo ng Kawanihan noong Nobyembre, 1901 mula sa South MacAlester Ind. T. at nakasama ni Henry Wise sa pagtuturo sa paaralang sentral sa bayan ng Bacnotan, La Union. Ang dokumentadong tagumpay ng distrito ng Bacnotan sa ilalim ng pamumuno ni Henry Wise ay nang ito ay isa sa mga napagkalooban ng medalyang ginto sa ginanap na St. Louis Exposition noong 1904.
No comments:
Post a Comment