Ang pag-unawa sa unang yugto ng kasaysayan ng Cavite State University bilang isang paaralang intermedia sa kaniyang unang yugto ng eksistensiya ay magiging susi upang maintindihan ang mga panimulang kalakaran sa paglitaw ng mga kasalukuyang kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Tandaan na ang mga unang paaralang intermedia na naitayo ay bahagi ng paaralang panlalawigan. Ito ay mayroong sariling gusali at higit na maluwang na lupa na hiwalay sa paaralang primarya ng bayan na kinatatyuan nito. Sa paglipas ng mga panahon, ang mga paaralang sentral ng mga bayan ay naging ganap na elementarya na nagtuturo ng kursong primarya at intermedia. Sa integrasyon ng primarya at intermedia sa ilalim ng paaralang elementarya ay nagkaroon ng vacuum sa ilang mga pioneer intermediate school. Ang ilan sa kanila ay naging purong paaralang elementarya, katulad ng Tondo Intermediate School na naitatag noong 1903 bilang una o pilot intermediate school sa Pilipinas ay kilala na ngayon bilang Isabelo de los Reyes Elementary School. Sa lalawigan ng Cavite, ang Imus Intermediate School na ang klase ay pinasimulan noong 1905 at nagkaroon lamang ng bukod na gusali noong 1911ay kilala na lamang ngayon bilang Cayetano Topacio Elementary School.
Basahin Ang Kabuuan
Basahin Ang Kabuuan
No comments:
Post a Comment